Huwebes, Agosto 1, 2013

NAGISING NA MGA PANGARAP (MY BLOG TO FRONTROW)


ANG GUMISING NG LAHAT NG NATUTULOG KO NANG MGA PANGARAP

        Ako po si Risdy Andeo, isang dating OFW. Isa po ako sa mga Ofw na pagsumahod, dadaan lang sa palad ang sweldo, lahat po ipapadala para sa mahal sa buhay sa Pilipinas. Para po sa kaalaman ng iba, hindi po lahat ng Ofw maganda buhay sa abroad. Isa po ako sa mga nakaranas ng hindi pinasahod ng ilang buwan, or hindi nasunod ang contract. Wala ka namang magagawa, nandon kana. Ang nagpapalakas nalang ng loob ko ay ang pamilya ko, para sa kanila lahat ng sakaripisyo kong ito. Matupad ang mga pangarap nila, parang natupad narin pangarap ko.
        
          Sa mga kagaya kong Ofw, naranasan nyo na bang pag birthday ng anak, pasko or bagong taon, boses lang nila nririnig mo? Magkahalong saya at lungkot. Tipong ang saya saya mo nung binabati mo sila, pagbaba ng cellphone pigil na pigil ang luha mo. Isang taon ka sa abroad kahit gaano ka kaastig baka humagulgul ka dahil gusto mo sila yakapin.
       
          Nung huling kong alis, binigyan ako ng matinding pagsubok ni Lord. dumating sa punto na muntik pa kami maghiwalay ng asawa ko. Ang lubos na napektohan mga anak namin. Wala akong magawa, gusto ko lumipad pabalik, pero paano? Wala akong pamasahe, wala na akong pakialam kahit idemanda ako ng amo ko. Importante maisalba ko ang pamilya ko. Sa awa ng Diyos nalagpasan namin ang trial na yun. Pero pinangako ko sa sarili ko na hindi na mauulit ito. Pag uwi ko, nagpasalamat ako kay Lord, at kinausap ko siya."Lord wala naman akong ibang hihiligin sayo kundi magkaroon ng magandang bukas ang mga anak ko".



 Habang nasa Pilipinas at nagaantay ng pagkakataon muling makapag abroad, naivite ako sa FRONTROW. Mahirap kasi na puro palabas ang pera, hindi ganon kalaki ang ipon ko. Sabi nila Extra-income habang nasa bahay. Sabi ko, "Ok pakingan ko". Nung narinig ko yung marketing plan, sabi ko, "Ah... networking, recruit-recruit". Nakinig nalang ako, sa isip ko tapusin ko nalang ito tutal nandito narin naman ako, pero sarado ang isip ko, wala akong balak sumali. in-short sinakyan ko nalang hangang matapos ang presentation.
          Natapos na ung pagpapaliwanag sa marketing plan. kala ko uwian na. May isa pang speaker. Sabi ko."siguro naman last nato". Pinakilala ang speaker, pumasok, sabi ko sa isip ko "Astig ah!", hindi yung inaasahan kong itsura ng speaker ang lumabas, ung tipong naka kurbata at sapatos na matulis. Ang lumabas na speaker naka T-shirt nakarubber shoes, dami tatoo, kalbo at ang laki ng katawan. Nawala antok ko, ang daming naglalaro sa isip ko. "Ano siya dito? Ano kinalaman nya sa Networking?"
           Nagsimula siyang magpakilala. Kinuwento nya ang buhay niya. mga naranasan nya sa buhay. Habang nagkukwento siya, paunti unti paano nya narating ang kinalalagyan nya. Nabuhay uli lahat ng mga pinangarap ko sa buhay. Hindi ko na nga maalala kung kelan ko ito huling pinangarap. Dahil sa estado ko ngayun, balibaliktarin mo man ang mundo hindi ko siya matutupad. Pero nung time na yun WOW!!!! Sports car, malaking bahay, swiming pool, family trip around the world. Felling ko lumutang ako saglit nung time na yun.
           Nagtatrabaho ako sa ibang bansa para matupad ang mga simpleng pangarap lang. makapatapos ang mga anak ko sa kolehiyo, magkaroon ng sariling bahay at lupa, at matulungan ang magulang ko, at ginagapang ko yun. At minsan hindi na ako nakakakain sa oras matupad lang ang mga pangarap na iyan.. Eh dito pala sa Pilipinas pwede ko pala tuparin ang higit pa sa pinapangarap ko gaya ng nangyari sa taong nasa harap ko.
           Wala akong nakikitang espisyal sa kanya, para hindi ko magawa ang ginawa niya para matupad ang mga pangarap niya. Ang meron lang sya ay ang determinasyon na tuparin ang mga pangarap niya. Aminado ako medyo kulang ako nun, kasi hindi ko naman akalain na may pag-asa pa pala ang mga inakala kong imposibleng mga pangarap.
             At muli kinausap ko si Lord. "Lord wala pa man nagpapasalamat na po ako at akoy inyong pinakingan, at salamat din po sa taong nasa harap ko at ginamit nyo upang maging intrumento at pinatunayan mo na walang imposible sa ngalan mo."




            Sa araw na rin na yun nag join po ako. At sa dalawang buwan ko palang sa FRONTROW, feeling ko taon na ako dito. dami ko naging kaibigan. Pag nasa office ako, feeling ko bumabata ako, iba ang ambiance, very positive. Pinag sama samang mga taong iisa ang goal sa buhay. Ang matupad ang mga pangarap. Ang sarap sa pakiramdam. Lalo na ngyun may mga cheke na ako. Wala akong kahit tuldok na pinagsisihan sa desisyon kong ito. Dahil malaki ang tiwala ko kay Lord. "This is it...a FEW STEPS to my DREAMS... "
          At after a year abangan ninyo na lang po ang susunod na chapter ng buhay ko...

     


  Muli po ako po si Risdy Andeo. Para sa mga bago na kagaya ko. Sabay-sabay po nating tuparing ang mga pangarap natin, sa tulong ng Diyos, at sa pamamagitan ng FRONTROW. Maraming salamat at more blessings po sa ating lahat.